Siguro mga halos kalahating araw naka repeat lang sa mga kanta ng Lucksmiths yung mp3 player. Pero panalo talaga ang bandang iyan, lalo na kapag alam mong minamalas ka. Ika nga ng isang kataga, 'when you're out of luck, your out'. Kung totoo man iyan, hindi ko alam. Malamang ako lang nagsabi niyan. Kaya siguro kumukuha ako ng suwerte mula sa mga kanta. Malas sa lagay ng pagtatanong sa limang piso ang 'oo o hindi'. Parang may panig ang tiyempo at palad sa 'hindi', 'huwag'. Hindi mo alam kung ito ba'y babala, maski mamilit ka na 'eto ang gusto ko'. "Kung gusto, maraming paraan, kung ayaw, maraming dahilan", sabi ng guro ko. Pero pag gusto mo, at ayaw ng mundo, ayaw ng tadhana. Papaano iyun?
Kaya sa hirap ng tanong, magpapalipas muna ng oras. Iba ang maupo sa tabi at makinig lang ng makinig, paulit-ulit. Iba ang karamdaman na nagmumula sa awit at karanasan ng iba. Lalo na kung ang kanta ay parang ikaw, parang katapat ng buhay mo. Siguro ganoon naman talaga ang mga kanta, at ang buhay. Sumasalamin lang sa isa't-isa. Nasa paghahanap lang iyan, at walang tigil na pagtugtog.
---
Kung sa pagsusulat ng pormal o impormal sa wikang ito'y napakahirap sa akin sapagkat maski ako'y nabubulol habang nagtatayp ng mga salita at kung ano pa. Marahil dahil ang panahon ng pagiging pnoyz ngayon ay ang pagiging 'westernized' at ang matagal na nating problema sa paghahanap ng sarili.
Yung Filipino, ay dahil hindi raw maintindihan ang malalim kong ingles (sabi ng mga ibang nagbabasa, at may nagbabasa pa pala nito).
Isa pang 'note'. Parang diretsong pagsasalin lang mula sa Ingles ang pagsusulat ko, may saysay man o wala.
No comments:
Post a Comment